^

Police Metro

Landslide sa Myanmar na ikinasawi ng 160 minero, magsilbing aral – Yap

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat ay magsilbing aral at babala sa mga mining companies sa Benguet at sa iba pang parte ng bansa ang nangyaring landslide sa isang minahan sa Yangon, Myanmar na ikinasawi ng mahigit 160 jade miners kamakailan.

Ito ang naging panawagan ni ACT-CIS partylist Cong. Eric Go Yap at hindi na isolated case ang mga ganitong insidente dahil sa ilang mga iresponsableng minahan sa ilang mga bansa na naglalagay sa peligro sa mga minero.

“This is an eye-opener. It can happen anywhere and anytime. Ito yung gusto natin na maiwasan na mangyari dito sa atin. Hindi namimili ng panahon ang kalamidad o aksidente,” ani Yap na siya ring caretaker ng Benguet.

Kaya’t maghahain ito ng resolusyon para silipin kung nasa standard ang operasyon ng mga minahan sa bansa, ang kaligtasan ng mga minero at kung sapat ba ang kanilang benepisyo at kompensasyon sakaling may sakuna.

“Benguet is very rich in natural resources. Mining is not the problem itself, the real problem lies on the standards and regulations kung nasusunod ba ng mga kumpanya ito lalo na ang kaligtasan ng mga minero at ang kinabukasan ng kanilang pamilya,” dagdag ni Yap.

vuukle comment

ERIC GO YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with