^

Police Metro

100% dayuhang trader, mahalaga sa pagbangon ng Pinas - Solon

Doris Franche - Pang-masa
100% dayuhang trader, mahalaga sa pagbangon ng Pinas - Solon
Ito ang naging pahayag ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means committee, kaugnay sa House Bill 78 na aamyenda sa dating Public Service Act (CA 146) na ang layunin ng panukalang bagong Public Service Act (PSA) na pasado na noong Marso pa sa Kamara ay itaas ang kalidad ng serbisyo ngunit pababain ang singil ng mga ito, at lumikha ng higit na maraming trabaho sa bansa para sa mga Pilipino.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Sa pagbangon ng bansa pagkatapos ng COVID-19 pandemic ay wawakasan ang mahinang kalidad at sobrang mahal na serbisyo sa mga sector ng kuryente, telecom, at transport na isang mahalagang papel ang gagampanan ng patas na kumpetisyon ng dayuhan.

Ito ang naging pahayag ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means committee, kaugnay sa House Bill 78 na aamyenda sa dating Public Service Act (CA 146) na ang layunin ng panukalang bagong Public Service Act (PSA) na pasado na noong Marso pa sa Kamara ay itaas ang kalidad ng serbisyo ngunit pababain ang singil ng mga ito, at lumikha ng higit na maraming trabaho sa bansa para sa mga Pilipino.

Sinabi ni Salceda, aamyendahan ng HB 78 ang Commonwealth Act No. 146, at liliwanagin nito ang kaibhan ng “public service” sa “public utility” na malimit ay pinagpapalit-palit. Nililimita ng 1987 Constitution ang pag-aari at pagpapatakbo ng mga “public utility” sa mga Pilipino lamang, at hanggang 40% lamang ang maaa­ring hawakan ng mga dayuhan, ngunit dahil madali itong ipasaklaw sa “public services,” nananaig ang mga monopolya at nahihirapan ang mga karaniwang Pinoy.

Suportado ang HB 78 ng maraming sektor, kasama si Socio-economic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua, na nagsabing ang panukalang bagong PSA Law ay magiging susi para makuha ng Pilipinas ang mara­ming dayuhang puhunan pagkatapos ng pandemya.

Binigyang diin ni Salceda na magkaiba at hindi pareho ang “public utilities” at “public service” bagama’t ang una ay maaaring maging bahagi ng una. Sa dating PSA, kasama sa kategorya ng “public service,” pati mga planta ng yelo at gawaan ng sirang mga barko na tiyak namang hindi papatulan ng mga dayuhang mamumuhunan.

vuukle comment

COVID-19

JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with