^

800 kilong meat products nasabat sa NAIA

Butch Quejada (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 800 kilo ng iba’t ibang klase ng meat pro­ducts na walang sanitary at phytosanitary clearance ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) matapos itong dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals kahapon.

Sinabi ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, kabilang sa mga nakumpiskang meat products ay 268.2 kilograms ng kar­neng baboy, 196.4 kilong karneng baka, 298.22 kilong manok, at 102 kilo ng iba pang uri ng karne na dumating nang walang permits at health clea­rance mula sa mga African Swine Fever (ASF) infected countries.

Ayon kay Talusan, lahat ng item ay ibinigay nila sa Bureau of Animal Industry (BAI) para sa quarantine at dispo­sal purposes upang maiwasan ang pagkalat ng virus na mapanganib sa health and food industry.

 Sabi ni Talusan, pinoprotektahan nila ang lokal na industriya mula sa posibleng swine at agricultural epidemic bilang suporta sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na patuloy na i-monitor at bantayan ang border ng bansa laban sa ASF.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with