^

Police Metro

Sundalo, 3 pa utas sa baragay police action team

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao ang patay kabilang ang isang sundalo habang apat pa ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng mga armadong miyembro umano ng Barangay Police Action Team (BPAT) sa Brgy. Bohe Lebbung, Tipo-Tipo, Basilan nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Mark Anthony Monte, nakadestino sa Bohe Lebbung Detachment, mga CAFGUs na sina Samy Akay at Alibasa Antaas, at sibilyang si Kong Uging habang ginagamot sa ospital ang mga sugatan.

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Spokesman Major Arvin John Encinas, naitala ang pamamaril dakong alas-9:30 ng gabi sa naturang lugar kung saan itinuro ng mga testigo ang BPAT na nagsisilbing force multiplier ng Basilan Police ang nasa likod ng pamamaril sa mga biktima.

“Yan po ang lumalabas BPAT ang mga suspect but it is still subject for investigation,” ani Encinas.

Nabatid na kasalukuyang nasa lugar na kilalang balwarte ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasabing sundalo at mga CAFGU nang bigla silang paulanan ng bala ng mga armadong suspect. May matagal na umanong hidwaan na isa sa pangunahing motibong sinisilip ng mga awtoridad sa krimen.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with