^

Police Metro

CHR magbabantay sa paglabag sa karapatang pantao

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang pag­lalagda ni Pangulong Duterte sa bagong Anti-Terrorism Act, inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na magbabantay sila sa anumang paglabag sa karapatang pantao.

“Human rights will be upheld at all cost. This includes commitment to protect free speech, the right to dissent and petition redress for grievan­ces, due process and presumption of innocence, and respect for human dignity and the value of human life among others,” pahayag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.

Tiniyak ni De Guia ang pagkakaroon ng payapang pamumuhay ng mamamayan dahil ito aniya ay karapatan ng bawat Pilipino. Aniya, mananatiling nakamasid ang CHR sa anumang pang-aabuso at patuloy na ipaglalaban ang karapatang pantao ng samba­yanang Pilipino.

Sa ilalim ng natu­rang batas, ang sinumang mapatunayang guilty sa kasong terorismo o ka­sabwat sa pagsasagawa ng terorismo ay papatawan ng parusang habambuhay na pagkabilanggo at walang parole.

vuukle comment

ANTI-TERRORISM ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with