P93 milyong smuggled cigarette, nasabat sa Subic
MANILA, Philippines — Mahigit P93 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Subic sa Zambales.
Sa ulat ng BOC, tatlong 40-footer container van ang nasabat sa Port of Subic na naglalaman ng mga smuggled ng sigarilyo na idineklarang mga LED lights.
Nabuking ang mga puslit na sigarilyo makaraang sumailalim sa X-ray at physical examination ang mga nasabing container kung saan nadiskubre ang may 3,100 master cases na mga sigarilyo.
Naglabas naman ng Warrant of Seizure and Detention si Port of Clark District Collector Maritess Martin laban sa nasabing kargamento.
- Latest