^

Police Metro

PCG kakasuhan ang operator ng Hong Kong vessel sa sea collision

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang magsampa ng reklamo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga operator ng Hong Kong-flagged cargo vessel na umano’y bumangga sa Philippine fishing boat sa Occidental Mindoro noong June 27 kung saan 14 indibidwal ang nawawala.

Kasalukuyang retrieval operation na ang ikinasa ng PCG sa 14 nawawalang lulan ng Liberty 5.

“We are filing a case, we are gathering evidence, kasama iyong mga sworn statements ng mga manginigisda,” ani PCG Commandant Vice Admiral George Ursabia Jr.

“Iyong dalawang radar ng Vienna Wood, functioning naman. Hindi rin sila nagpadala ng service o rescue boat. Meron niyan ang malalaking barko,” dagdag pa nito.

Lahad pa ni Ursabia, maliit na lamang ang pagkakataon na buhay pa ang mga ito.

“Slim na ang chance na makita natin silang buhay, kaya retrieval na ang magiging punto namin in the next two days. After that, we will evaluate if there is a need to extend for two more days or we will terminate our efforts on this,” paliwanag pa nito.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with