^

Police Metro

Pulis todas, 3 sugatan sa quarantine checkpoint

Doris Franche, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Butas ang bungo ng isang pulis habang sugatan ang kasama niyang babae at dalawa pa matapos silang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek na pinahinto sa quarantine checkpoint sa Purok Malipayon, Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Police Executive Master Sergeant Wilson Paclibar, habang sugatan naman sina P/Staff Sergeant Chato Maycong; Josephine Danggan, barangay health worker at barangay tanod na si Arnel Saldo.

Sa report ng Esperanza Police Station, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa quarantine checkpoint sa Brgy. Poblacion Esperanza.

Lumalabas sa imbestigasyon, lulan ang mga suspek sa motorisklo nang parahin ng mga pulis na nagbabantay sa checkpoint.

Hinihingan ni Paclibar ang suspek ng rehistro ng motorsiklo at driver’s license pero baril ang inilabas nito at pinaputukan sa ulo ang pulis na agad namatay.

Pinagbabaril din ng suspek si Maycong na tinamaan sa kamay, gayundin ang dalawa pa.

Nagpapatuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek na mabilis tumakas sa hindi malamang direksyon.

vuukle comment

CHECKPOINT

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with