^

Police Metro

Kagawad itinumba habang nasa miting sa barangay hall

Danilo Garcia - Pang-masa
Kagawad itinumba habang nasa miting sa barangay hall
Kinukunan ng mga imbestigador ng fingerprints at kinokolekta ang mga kagamitan ng nasawing si barangay kagawad Antonio Calma Jr., na pi­­nagbabaril habang nakikipagmiting sa kapwa opisyal sa loob ng barangay hall sa Sampaloc, Maynila.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang barangay kagawad nang ito ay pasukin at pagbabarilin sa loob ng barangay hall ng dalawang hindi nakilalang salarin habang nasa pulong, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Antonio Calma Jr., 43, binata, kagawad at Officer-in-Charge ng Brgy. 484 Zone 48, Sampaloc at nakatira sa No. 1829 Simoun Street, Sampaloc.

Hindi naman nakilala ng mga saksi ang dalawang gunman na kapwa nakasuot ng jacket na may hood, ball cap at face masks.

Sa ulat, bago naganap ang pamamaril, alas-10:30 ng gabi sa loob ng barangay hall ng Brgy. 484 Zone 48 sa Algeciras Street, Sampaloc ay nasa gitna ng pulong ang biktima kasama ang iba pang mga opisyal nang pumasok ang mga salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril si Calma at hindi sinaktan ang iba pang tao sa loob.

Tumakas ang mga salarin sakay ng isang kulay pulang Toyota Innova habang isang gray Pajero type SUV na walang plaka ang bumuntot dito patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan inaalam kung may kinalaman sa gawain sa kanilang barangay ang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with