DOTr pinakilos ang iba pang ahensiya para mapauwi ang mga LSI
Ito ay matapos masaksihan ni Transport Secretary Arthur Tugade nang ito ay mag-inspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at nalaman ang kalagayan ng mga stranded na pasahero na walang maupuan kaya ipinag-utos nito ang pagbili ng mga upuan para mapataas din ang seating capacity ng paliparan.
STAR/Geremy Pintolo, file
DOTr pinakilos ang iba pang ahensiya para mapauwi ang mga LSI
Angie dela Cruz (Pang-masa) - July 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si Transport Secretary Arthur Tugade sa lahat ng ahensiya na nasa ilalim ng  Department of Transportation (DOTr)  na lumahok sa multi-agency drive upang matulungan ang mga locally stranded individuals o LSI.

Ito ay matapos masaksihan ni Tugade nang ito ay mag-inspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at nalaman ang kalagayan ng mga stranded na pasahero na walang maupuan kaya ipinag-utos nito ang pagbili ng mga upuan para mapataas din ang seating capacity ng paliparan.

Tiniyak ng kalihim sa mga stranded na pasahero na ang kaligtasan at convenience ng mga ito ang pangunahing prayoridad ng pangulo at ipinaliwanag na ginagawa lahat ng pamahalaan upang matulu­ngan ang mga ito.

Simula June 8 hanggang 12 mayroong 825 LSIs ang nagkampo sa labas ng NAIA Terminal 3 ang nirescue nila at dinala sa Villamor Elementary School at Philippine State College of Aeronautics Pasay City kung saan 395 sa mga ito ang agad inihatid sa kanilang mga probinsya habang ang nalalabing 430 LSI ay pinauwi rin noong sumunod na linggo.

Umabot naman sa 15, 672 na mga LSI ang napauwi ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng Hatid-Probinsya program kabilang na rito ang isinakay ng BRP Gabriela Silang ng PCG. Maging ang Philippine National Railways ay naghatid din ng nasa 234 na LSI gamit ang mga tren nito patungo sa Bicol Region.

ARTHUR TUGADE DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with