_pang-masa
^

Police Metro

4 miyembro ng BIFF patay sa checkpoint

Doris Franche-Borja, Rhoderick Beñez - Pang-masa
4 miyembro ng BIFF patay sa checkpoint
Kinilala ang mga napatay na sina Rahib Lumenda Esmail; Prati Kuludan; Arsad Ukom Utto at Aliofmer Talimbu, pawang tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng nasabing te­roristang grupo. Batay sa ulat ng Maguindanao Police, naganap ang insidente sa nakalatag na checkpoint sa Brgy. Timbangan, Sharif Aguak, Maguindanao, alas-2:00 ng hapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang apat na mi­yembro ng Karialan faction ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang anim ang nasugatan matapos maharang at makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Barangay Timbangan, Sharif Aguak, Maguindanao, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga napatay na sina Rahib Lumenda Esmail; Prati Kuludan; Arsad Ukom Utto at Aliofmer Talimbu, pawang tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng nasabing te­roristang grupo.

Batay sa ulat ng Maguindanao Police, naganap ang insidente sa nakalatag na checkpoint sa Brgy. Timbangan, Sharif  Aguak, Maguindanao, alas-2:00 ng hapon.

Ayon sa pulisya, lulan ang mga suspek sa Suzuki multicab (MAK-9062) nang mapadaan sa nasabing checkpoint kaya hinarang sila ng mga pulis.

Napansin ang kanilang mga bitbit na armas, nang usisain ay nagpakilala ang mga terorista na mga miyembro umano sila ng Maguindanao Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU).

Ngunit nang hingan ng identification cards dahil hindi nakasuot ng uniporme ay walang maipa­kita ang mga suspek.

Dito na nagpaputok ng baril ang mga suspek kaya napilitang gumanti ang mga pulis hanggang sa nasapol ang apat na dinala pa sa Maguindanao Provincial Hospital, pero idineklara ring patay.Ayon sa mga sibilyan, may nakita silang anim pang kasama ng mga napatay na tumatakas na pawang sugatan.

Kinumpirma ng mga otoridad na miyembro ng BIFF ang apat at sangkot sa illegal drug trade sa naturang lalawigan. Nakuha sa mga suspek ang ilang matataas na uri ng armas, magazine at mga pampasabog.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with