2 karnaper todas sa shootout
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa ospital ang dalawang lalaki na nahaharap sa kasong carnapping matapos umanong manlaban sa mga otoridad na aaresto sa kanila kamakalawa sa National Highway, Purok 4, Brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Kadali Panigas, 40, may-asawa, magsasaka na residente ng Purok 6, Brgy. Kilada, Matalam, Cotabato at Jomarie Ambel “alias Smoke”, 25, binata, residente ng Purok 8, Brgy. Kidama.

Sa ulat, alas-5:50 ng hapon ay aarestuhin ng  mga pulis si Panigas  sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 nang madaanan nila ito na sakay ng motorsiklo angkas si  Ambel.

Sa halip na sumuko si Panigas ay bumunot umano ito ng mga baril at pinagbabaril ang mga pulis, ma­ging si Ambel ay akma sanang ihahagis ang granada kaya’t pinagbabaril din ito.

Naisugod pa sa pagamutan ang dalawa,subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital.

CARNAPER SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with