8 tulak timbog sa P70 milyong shabu
Omar Padilla (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walong katao ang naaresto ng mga otoridad sa isang drug operation at nakumpiska ang nasa 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P70-M sa Brgy. Pandayan, Meycauyan, Bulacan, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Sandy Domingo, 41; Christian Villaflores, 39; Nida Barrientos, 54; Rhodora Jose, 43; Milky Joy Principe, 33; Marilao, Kevin Limbo, 27; Bernard Flores, 46; at Clifford Bello, 35.

Sa imbestigasyon, alas-9:30 ng umaga nang madakip ang mga suspek na lulan ng isang Toyota Camry (XNF-319) na kulay gray.

Nabatid na nagmula sa Mainland China ang droga na ibinebenta sa Central Luzon, Metro Manila at ilang lugar sa Southern Tagalog.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Sections 5, 11, 26 ng Article ll of Republic Act 9165.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with