Nakarating kay Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte ang iba’t ibang reklamo maging ang nag-viral sa social media na video ng mga em­pleyadong lalaki na walang pakundangang hinahagis sa loob ng truck ang mga package na nakatakdang ihatid sa kanilang mga kustomer.
STAR/File
J&T pinaiimbestigahan sa inihahagis na parcel
Malou Escudero (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

Duterte nagbantang ipapasara…

MANILA, Philippines — Kapag napatunayan na guilty o may pananagutan sa mga reklamo laban sa kanila ay hindi umano magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipasara ang delivery service provider na J&T Express.

Nakarating kay Pa­ngulong Duterte ang iba’t ibang reklamo maging ang nag-viral sa social media na video ng mga em­pleyadong lalaki na walang pakundangang hinahagis sa loob ng truck ang mga package na nakatakdang ihatid sa kanilang mga kustomer.

“Madalas akong makatanggap ng complaint. better shape up,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address.

Kasalukuyan na ­aniyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa mga reklamo laban sa mga empleyado ng J&T, ayon sa Chief Executive.

Nilinaw ng Pangulo na hindi naman niya kinokondena ang kumpanya dahil dedepende sa im­bestigasyon ang magiging hakbang niya.

Pero, kung mapapatunayang guilty ito sa mga reklamo ay ipasasara niya umano ito.

Sa ulat, pinag-usapan sa social media ang insidente kung saan makikita na hindi man lang sinusuri o kinakapa ng mga lalaki ang laman ng mga mga package at walang alintana kung may mababasag o masisira sa mga ito habang inihahagis sa loob ng truck.

Sari-saring reaksyon mula sa publiko ang dumagsa sa social media at lumutang tuloy ang mga reklamo ng iba pang kustomer.

Bukod sa mga depek­tibong produkto, inire­reklamo rin ng mga online buyer ang kulang na piyesa sa mga binili nilang gamit na resulta pala umano ng kawalang-ingat ng mga trabahador at hindi ng mga online seller na kumuha sa serbisyo ng J&T Express.

J&T EXPRESS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with