Ang suspek na si Hilarion Achondo matapos arestuhin ng mga otoridad nang i-hostage ang isang doktora sa emergency room ng East Avenue Medical Center, kahapon.
Boy Santos
Doktora hinostage ng sekyu
Mer Layson (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

Nainip sa paghihintay na asikasuhin…

MANILA, Philippines — Isang sekyu ang nag­huramentado at hinostage ang isang doktora sa emergency room ng East Avenue Medical Center (EAMC) matapos umanong mainip sa paghihintay na asikasuhin siya kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang suspek ay kinila­lang si Hilarion Achondo, 51, residente ng Milagrosa St. Bagong Barrio, Brgy. 152, Caloocan City.

Nailigtas naman ang babaeng doktor na si Russell Carandang, 29, residente ng Dimasalang St. Project 8, Q.C.

Sa ulat, bago nangyari ang hostage taking, alas-5:50 ng umaga sa emergency room ng EAMC ay lumalabas na abala si Carandang sa pag-aasikaso sa mga pas­yente nang biglang kumuha ng hiringgilya ang suspek at hinila ang una at tinutukan sa leeg.

Nagkataon na naroon ang ilang tauhan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit dahil mayroon silang ginagawang pagsisiyasat.

Nang makita ng mga pulis ang komosyon sa emergency room ay agad silang rumesponde at naabutang hostage ni Achondo si Carandang.

Nagpakilalang pulis si P/SSgt. Bienvenido Ribaya III at pinakalma ang suspek at nagtagal ng ilang minuto ang negosasyon hanggang sa mapahupa ang huli saka pinakawalan ang doktora.

Nabatid na nasangkot ang motorsiklo na minamaneho ni Achondo kaya siya sa nadala sa ospital ngunit nagalit ito dahil hindi siya agad naasikaso sa da­ming pasyente na humantong sa hostage-drama.

Ang suspek ay nakapiit na at nahaharap sa kasong grave coercion, alarm and scandal at grave threat.

HOSTAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with