Ang pagsali ng Pilipinas sa solidarity trial ay nakapaloob sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso bagaman at tapos na ang Bayanihan to Heal as One Act kung saan kailangang magsumite ng report ng Pangulo.
STAR/Miguel de Guzman, file
361 pasyente lalahok sa COVID-19 trial ng WHO
Malou Escudero (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa layuning ma­katuklas ng gamot panlaban sa virus ay lalahok ang nasa 361 pasyente na may COVID-19 mula sa iba’t ibang ospital sa bansa sa gagawing solidarity trial ng World Health Organizations (WHO).

Ang pagsali ng Pilipinas sa solidarity trial ay nakapaloob sa  ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso bagaman at tapos na ang Bayanihan to Heal as One Act kung saan kailangang magsumite ng report ng Pangulo.

Naglaan ang gobyerno ng nasa P29.99 milyon para sa proyekto na tatagal ng isang taon.

Ang mga paggamit ng mga posibleng gamiting gamot laban sa virus ay ipi­natutupad ng University of the Philippines National Institute of Health.

Kabilang dito ang remdesivir, hydroxychloroquine na gamot sa malaria, HIV drugs lopinavir/ritonavir, at lopanivir/ritonavir.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with