Paglilinaw pa ni Dr. Rabindra Abeyasinghe na mayroong dashboard ang WHO na naglalaman ng tala ng COVID-19 cases sa buong mundo kung saan kinuha lamang ito ng ilang journalist na siya umanong nagsagawa ng sariling pagkukumpara dito.
AFP/Fabrice Coffrini
WHO pinabulaanan na una ang Pinas sa Western Pacific sa mabilis na COVID-19 cases
Danilo Garcia (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng World Health Organization (WHO) ang ulat na sa kanila nanggaling ang konklusyon na nangu­nguna na ang Pilipinas sa coronavirus disease cases sa Western Pacific region.

Sa kabila ng ang WHO ang nagbibigay ng datos sa COVID-19 cases sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay sinabi ni Philippine representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na hindi ugali ng WHO na magkumpara ng mga datos.

Paglilinaw pa ni Dr. Abeyasinghe na mayroong dashboard ang WHO na naglalaman ng tala ng COVID-19 cases sa buong mundo kung saan kinuha lamang ito ng ilang journalist na siya umanong nagsagawa ng sariling pagkukumpara dito.

Ang pahayag na ito ni Abeyasinghe ay matapos na ilabas ng isang pahayagan ang analysis report base sa data mula sa WHO ukol sa pagtaas ng bilang ng virus infections sa bansa.

Base sa WHO-Western Pacific Region data, ang Pilipinas ay may pinakamara­ming bilang ng ba­gong kaso mula Hunyo 17 hanggang 23, at may pinakamabilis na 7-day moving average.

Inalmahan din ng Ma­la­cañang ang pa­hayag ng WHO na ang Pilipinas ang nakapagtala ng pinakamabilis na bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa 20 bansa at teritoryo sa Western Pacific Region.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ikaanim na puwesto lamang ang Pilipinas sa Western Pacific Region kung hahatiin ang bilang ng mga kaso sa kada mil­yong populasyon.

Sa katunayan sinabi ni Roque na nangunguna ang India sa mayroong pinakamaraming confirmed COVID-19  cases sunod ang Pakistan, Bangladesh, Indonesia at Singapore

Sinagot din ni Roque ang puna ng ilang social media users na ang India, Pakistan at Bangladesh ay hindi sakop ng Western Pacific Region dahil ang mga nasabing bansa aniya ay nasa record ng WHO bilang Western Pacific countries at pawang Asian countries.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with