Rally ng consumer group binarikadahan ng pulisya

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Agad na binarikadahan ng 55 pulis ng Manila Police District(MPD) ang buong Padre Faura St., matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa gagawing kilos protesta ng isang consumer group na Ilonggo Consumers Movement sa harap ng tanggapan ng Supreme Court (SC).

Ayon kay MPD Station 5 Commander Lt Col. Ariel Caramoan, mahigpit na ipinagbabawal sa Inter Agency Task Force (IATF) Omnibus Guidelines ang pagsasagawa ng anumang protesta kaya naman kung magpupumilit ang mga raliyista ay kanila itong aarestuhin at maaaring kasuhan ng paglabag sa Revised Penal Code dahil sa illegal assembly bukod pa sa paglabag sa IATF rules patukoy sa social distancing.

Sinabi ni Tuesday Calma, coordinator ng grupo na napilitan silang umatras sa planong protesta matapos na rin makita ang maraming pulis gayundin ay pinagbawalan umano sila na magdaos ng pagkilos kaya naman isang pressconference na lamang ang kanilang ipinatawag sa isang restoran.

Iniuugnay naman ang grupo sa Panay Electric Company(PECO), subalit nilinaw ni Calma na wala silang koneksyon dito at ang kanilang ginawang aksyon ay walang kinalaman sa magaganap na imbestigasyon ng Iloilo City Council kaugnay sa argumento ng ilang konsehal na dapat imbestigahan ang nagaganap na brownout sa Iloilo City.

Ang power service sa Ilo­ilo City ay hawak na ngayon ng bagong Distribution Utility na More Electric and Power Corp (More Power) na inisyuhan ng legislaive franchise ng Kongreso at Certificate of Public Convenience and Necessity. 

RALLY SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with