Naka-lockdown na ngayon ang St. Paul’s Hospital na pinapasukan ng anim na doktor at isinasailalim sa “strict quarantine” din ang mga health workers ng pagamutan.
STAR/File
6 doktor tinamaan ng COVID, ospital ini-lockdown
Doris Franche (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa CO­VID-19 ang anim na me­dical doctors sanhi upang ipasailalim sa lockdown ang kanilang pinaglilingkurang ospital sa Iloilo City kahapon.

Naka-lockdown na ngayon ang St. Paul’s Hospital na pinapasukan ng anim na doktor at isinasailalim sa “strict quarantine” din ang mga health workers ng pagamutan.

Ayon kay Atty. Roy Villa ng Regional Inter-Agency Task Force for COVID-19, mula alas-7:00 ng gabi noong Linggo, Hunyo 28 ay nagpatupad na ng lockdown sa St. Paul’s Hospital base sa rekomendasyon ng Department of Health-Region 6.

Ang emergency room, out patient department at operating rooms ng naturang ospital ay isinara para sa pagsasagawa ng disinfection.

Kinumpirma naman ni Mayor Jerry Treñas ang ulat at nagsasagawa na aniya ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng anim na doktor na kinabibilangan ng mga healthcare workers, pas­yente at kanilang pamilya.

Sinabi ng alkalde na nagpositibo sa coronavirus ang anim na doktor makaraang lumabas ang resulta ng kanilang PCR test o swab test.

COVID-19 LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with