Dahil sa mataas na severe at critical cases sa lungsod na kung saan ay within 48 hrs ay may namamatay na severe cases na lubos na nakaaalarma.
FREEMAN/Aldo Nelbert Banaynal, file
Cebu City epicenter na ng COVID-19
Mer Layson, Malou Escudero (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni National Task Force Against CO­VID-19 chief Implemen­ter Carlito Galvez na itinuturing nang focal point o epicenter ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas ang Cebu City.

Dahil sa mataas na severe at critical cases sa lungsod na kung saan ay within 48 hrs ay may namamatay na severe cases na lubos na nakaaalarma.

Sa ngayon, mayroong 19 barangay ang kanilang binabantayan na kung saan ay ginagamitan pa aniya nila ito ng drone at helicopter.

Sa kabilang banda, sinabi ni Galvez na “cooperative” naman aniya ang mga barangay sa Cebu City na pawang isinaisantabi ang politika.

Sinegundahan din ni Interior Secretary Eduardo Año, vice-chairperson ng national task force against the pandemic ang sinabi ni Galvez na ang Cebu City na ang bagong epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas na mas mataas na ang rate ng impeksiyon kaysa sa Metro Manila.  

Idinagdag ni Año na nag-aalala ang gobyerno sa mga naitalang bagong cases ng COVID-19 sa Cebu at sa death toll ng siyudad kaya’t nagpadala na ang Department of Health ng karagdagang 32 manggagawang medikal sa Cebu City upang makatulong sa paglaban sa pandemya.

CO­VID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with