3 Chinese na dawit sa money laundering tiklo sa entrapment
Kinilala ang mga suspek n sina Chen Yong Tao, 22-anyos, ng 505-A Solemare St., Parañaque City; Xi Yi Chen, 38, ng No. 12107 D Shore Residence, Macapagal Boulevard, Pasay City; at Cai Jin Cheng, 36, ng No. 12107 D Shore Residence Macapagal Boulevard, Pasay City. Sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11211 The New Central Bank Act at Article 318 (Other deceit) ng Revised Penal Code .
STAR/File

3 Chinese na dawit sa money laundering tiklo sa entrapment

Ludy Bermudo (Pang-masa) - June 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong Chinese nationals na isinasangkot sa money laundering ang naaresto ng mga tauhan ng Naval Intelligence Security Group-National Capital Region Police Office (NISG-NCRPO) at Pasay City Police base sa reklamo ng kababayan sa entrapment operation sa loob ng isang kilalang coffee shop sa Macapagal Boulevard, Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek n sina Chen Yong Tao, 22-anyos, ng  505-A Solemare St., Parañaque City; Xi Yi Chen, 38, ng No. 12107 D Shore Residence, Macapagal Boulevard, Pasay City; at Cai Jin Cheng, 36, ng No. 12107 D Shore Residence Macapagal Boulevard, Pasay City.  Sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11211 The New Central Bank Act at Article 318 (Other deceit) ng Revised Penal Code .

Sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon nitong Hunyo 26 nang arestuhin ang mga suspek sa loob isang cafe sa loob ng isang mall sa Macapagal Boulevard, Brgy. 76, Zone 10, Pasay City.

Una rito, ang complainant na si Li Qi, 28, ng Avida Tower, Taft Avenue, Pasay City ay dumulog sa NISG-NCR hinggil sa panloloko ng mga suspek, na ayon sa kanya ay pawang sangkot sa ilegal na foreign exchange, money laundering at swindling sa kapwa Chinese nationals.

Ikinasa ang entrapment laban sa mga suspek ng NISG-NCRPO at Pasay -Station Intelligence Section sa pangunguna ni P/Major Lerpon Platon, kung saan nagpanggap ang biktima na muli siyang magpapalit ng currency sa halagang P1-milyon gamit ang isang genuine na P1,000 bill at boodle money para sa Chinese currency.

Nagkasundo sila na  magkikita sa nasabing establisimyento at nang maibigay na ang pera sa mga suspek ay dito na sila inaresto ng mga nakaposteng operatiba.

Nasamsam sa mga suspek ang entrapment money at dalawang cellphone na gamit sa pakikipagtransaksyon sa biktima.

MONEY LAUNDERING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with