^

DTI tinanggal na ang limit sa pagbili ng essential items

Ludy Bermudo (Pang-masa) - June 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na maaari nang makabili ng mga essential items nang walang limitasyon sa mga grocery o supermarket.

Anya, inalis na ang limit sa pagbili ng mga essential item tulad ng noodles, canned goods at iba pa na pangunahing mga kailangan sa relief goods para sa mga apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19.

Matatandaang nagkaroon ng panic buying sa mga pamilihan kaya naman nilimitahan ang pagbili sa essential goods habang umiiral ang enhanced community quarantine o ECQ sa Luzon.

Kinumpirma rin ni Lopez na tinaasan na ng DTI ang bilang ng mga face mask na maaaring mabili ng mga tao dahil marami nang suplay ngayon kaya maaari na ring makabili ang publiko nang hanggang sa limampung piraso hindi tulad noon na pinapayagan lamang makabili nang hanggang limang piraso.

DTI RAMON LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with