^
Senado nag-partial lockdown
“We are already in semi-lockdown. I was just briefed by the Senate Secretary of the request of some employees. There are also hearings and work to be conducted by Senators’ offices, so we cannot declare a total lockdown,” ani Vicente Sotto III sa isang mensahe.
STAR/Boy Santos, file

Senado nag-partial lockdown

Gemma Garcia (Pang-masa) - June 24, 2020 - 12:00am

2 empleyado nagpositibo sa COVID-19...

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na kasalukuyang nasa partial lockdown ang Senado makaraang magpositibo sa COVID-19 ang dalawang empleyado.

“We are already in semi-lockdown. I was just briefed by the Senate Secretary of the request of some employees. There are also hearings and work to be conducted by Senators’ offices, so we cannot declare a total lockdown,” ani Sotto sa isang mensahe.

Aniya, hindi maipo-proseso ang mga sweldo ng mga empleyado sa total lockdown scenario, ngunit sinabing hindi kailangang pumasok ng mga ito sa trabaho kung hindi nito gusto.

“The persons exposed to the two employees have already passed their 14 days self quarantine,” dagdag niya.

Ayon sa datos mula sa Senate Medical and Dental Bureau, nakapagtala ng kabuuang 16 kaso ng COVID-19 ang mataas na kapulungan ng Kongreso, kung saan 13 sa mga ito ang nakarekober, isa ang nasawi habang dalawa ang aktibong kaso.

Sampu sa mga tinamaang empleyado ang mula sa Secretariat habang anim naman sa mga opisina ng mga senador.

SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with