^

Dine-in sa restaurants pwede na sa GCQ sa June 15

Ludy Bermudo (Pang-masa) - June 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang mag-operate ang mga restaurants para sa kanilang dine-in services sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula sa Hunyo 15, 2020.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force-Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang dine-in sa mga kainan tulad ng karinderya, food kiosks, fast-food, casual at fine dining restaurants subalit hanggang 30% capacity lamang upang maipatupad pa rin ang health protocols para sa coronavirus diseases 2019 (COVID-19).

Ikinonsidera umano ng IATF ang pangangailangan ng milyong manggagawa sa industriyang ito na marami na ang nawalan ng trabaho nang hindi naman mako-kompromiso ang kaligtasan para sa kalusugan kaya may itinakdang protocols na dapat sundin kabilang ang no mask, no entry policy; social distancing protocols;
maximum na bilang ng kustomer, regular na sanitation schedule at procedures; may aletrnatibong pamamaraan ng pagbabayad, pag-oorder at pag-pickup ng mga orders; client-personnel interaction protocols; at enforcement measures. 

GCQ RAMON LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with