PAGCOR ikinakasa ang muling pagbubukas ng mga casino
Danilo Garcia (Pang-masa) - June 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posible na muling umarangkada ang mga operasyon ng casino ngayong buwan na malaking tulong para sa am­bag na kita ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Phi­lippine Amusement and Ga­­ming Corp. (PAGCOR) chairman at CEO Andrea Domingo na umaasang magbubukas na ang kanilang mga pinatatakbong casino nga­yong Hunyo o ‘di naman kaya ay sa Hulyo.

Giit ni Domingo na mag­papalakas sa ekonomiya ng bansa ang muling pagbu­bukas ng mga casino dahil na rin sa naging epekto ng coronavirus disease sa bansa.

“The local gaming industry employs about 132,000 direct hires. It also generates many other economic acti­vities and businesses like res­taurants, hotels, malls in Integrated Resorts (IRs), ser­vices, transport and real estate,” ani Domingo.

Aniya pa na kapag bi­nuk­san ang mga casino sa bansa ay magreresulta ito ng mas maraming employment opportunity.

Ipinagmalaki naman ng PAGCOR ang patuloy nilang pagbibigay ng kontribusyon sa gobyerno para sa mga hakbang na panlaban sa COVID-19.

Sinisiguro naman ni Do­mingo ang ligtas na pag­lalaro para sa mga player, at ang maayos na pagkolekta ng kita ng gobyerno kapag pinayagan na ang pagbubukas ng mga casino sa bansa.

PAGCOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with