^

Police Metro

4 sundalo, 2 Sayyaf utas sa engkuwentro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na sundalo at dalawang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang habang 17 pa sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan sa umaatikabong bakbakan sa Sitio Lagaron, Brgy. Kan-Ague, Patikul, Sulu nitong Sabado ng umaga.

 Sa inisyal na ulat, sinabi ni Major Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Minda­nao Command bandang alas-8:20 ng umaga nang maitala ang bakbakan sa liblib na bahagi ng nasabing lugar.

 Ayon kay Encinas, nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 6th Special Forces (SF) Batallion sa bahagi ng nasabing kagubatan nang masabat ang tinatayang nasa 40 na bandido sanhi ng umaatikabong sagupaan na ikinasawi ng apat na sundalo at ikinasugat ng 17 na kabaro na dinala sa Camp Teodulfo Bautista Hospital sa Busbus, Jolo.

 Sinabi ni Encinas, dalawa naman ang nalagas sa mga kalaban na binitbit ng mga nagsitakas nilang kasamahan at posibleng malaking bilang pa sa kanilang ang nasugatan base sa mga patak ng dugo sa lugar na dinaanan sa pagtakas.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with