^

Police Metro

Bahay ng COVID ‘suspect’ pinadlock!

Ludy Bermudo - Pang-masa

4 Baragay officials inaresto

MANILA, Philippines — Arestado ang apat opis­yal ng barangay ka­bilang ang dalawang kagawad matapos nilang i-padlock ang isang mister na suspected coronavirus di­sease 2019 (COVID-19) infected sa sariling bahay nito kasama ang kanyang pamilya sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat kay Manila Mayor Isko Moreno, nagtungo sa tanggapan ni Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) chief, P/Major Rosalino Ibay ang isang Jordan So at ibinun­yag ang ginawang pag-padlock at paguklong sa kaibigang si Irvin Sales, asawa nito at apat na anak na nagkakaedad ng 3, 10, 12 at 16 habang sila ay nasa loob ng kanilang tahanan.

Alas-3:30 ng hapon nang tunguhin ng grupo ni Ibay at Manila Police District-Station 4 commander, P/Lt. Colonel. John Guiagui, ang Malamig St., Sampaloc, kung saan naaresto sina Bgy. Kagawad Bobby Biason, 48, ng 1056 Malamig St.,; Brgy. Kagawad Marvin Simbahan, 27, ng 630 Batanes St.; Brgy Ex-O Ferdinand Gatdula, 56, ng 624 Batanes St. at Brgy. Tanod Epifanio Rempis, 49, ng 33 Malamig St.; pawang sa Brgy. 538, Zone 53, Distrct IV, Ba­lic-Balic, Sampaloc. Isa pang barangay tanod na si Jesus Dela Cruz ang hinahanap pa ng mga awtoridad.

Ani Ibay, lumabag sa City Ordinance No. 8624 (discriminating against a person suspected of having COVID-19) at arbitrary detention ng Article 124 ng Revised Penal Code at Republic Act 11469 o Bayanihan Heal As One Act.

Si Sales at pamil­ya nito ay ipinadlock ng mga brgy. officials upang hindi makalabas at umano’y makahawa dahil sa hinihinalang may COVID-19 ang nasabing padre-de-pamilya gayung dumaan na umano siya sa swab test at nag-negatibo sa virus.

vuukle comment

COVID-19

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with