^

Police Metro

Tig-P1 milyon sa 29 nasawing health workers, naibigay na - DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa
Tig-P1 milyon sa 29 nasawing health workers, naibigay na - DOH
Sinabi kahapon ni Health Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa online press briefing na dinala na mismo ni Health Secretary Francisco Duque III, kasama si Undersecretary Roger Tong-an kamakalawa sa mga kaanak ng 29 na namatay na health workers ang tseke matapos pirmahan noong nakalipas na araw ang joint administrative order.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Department of Health (DOH) na naibigay na sa mga pa­mil­ya ng 29 healthcare workers na nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tig-P1-milyong compensation na naipangako ng gobyerno.

Sinabi kahapon ni Health Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa online press briefing na dinala na mismo ni Health Secretary Francisco Duque III, kasama si Undersecretary Roger Tong-an kamakalawa sa mga kaanak ng 29 na namatay na health workers ang tseke matapos pirmahan noong nakalipas na araw ang joint administrative order.

“Napirmahan na po natin ‘yung joint administrative order nung isang araw at kahapon po, dala-dala ‘yung mga cheke, napuntahan na po ni Sec. Francisco Duque III at ni Usec. Roger Tong-an ‘yung relatives ng ating mga kababayan, at naibigay na ho ang cheke sa 29 na heirs,” DOH spokesperson and Undersecretary Maria Rosario Vergeire said in the Laging Handa online press briefing.
“Tatlo na lang po ang gagawin natin ngayong araw para makumpleto po ‘yung listahan natin,” ani Vergeire.

Samantala, ang 79 health workers na tinamaan ng matinding sintomas ng COVID-19 ay makatatanggap na rin ng P100,000 compensation sa mga susunod na araw.

vuukle comment

DOH

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with