‘Model bike highway’ sa Taguig
Ludy Bermudo (Pang-masa) - June 6, 2020 - 12:00am

Siklista nagpasalamat kay Duterte

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang mga siklista kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of Public Works and Highways dahil makakapag-bisikleta na sila ng ligtas sa kalsada dahil sa bike lane na inilatag sa Laguna Lake Highway na proyekto ng Pangulo at isinakatuparan ni DPWH Sec. Mark Villar.

Inilunsad ang 3-meter-wide na kahabaan ng kalsada na may 5.8 kilometro na kauna-unahang protected bike lane sa Philippine national highway, isang mo­delo para sa dati at bagong kalsada na malawak para lagyan ng bike lane.

Ang lane ay hiwalay sa highway at merong planting strip, upang masi­guro ang permanent structure na nagbibigay proteksyon sa mga biker laban sa mabilis na daloy ng trapiko. Ang lugar ay meron ding maliwanag na streetlights at road sign­ages para dagdag kaligtasan.

Kamakailan ang Taguig City ay nagtayo ng 5.8-km protected bike lane bilang bahagi ng komprehensibong pagsulong sa pagbibisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon ng mga manggagawa at residente.

Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Taguig na ang protected bike lane ay mananatiling ligtas at malinis, may bagong pintura bilang bahagi ng World Bike Day celebrations noong June 3. Meron din itong directional signages na ikinabit.

“Lahat po ay welcome na lumahok sa Taguig sa bagong inisyatibo na gumamit ng bike lane sa kanilang pagbibisikleta,” ayon kay Mayor Lino Ca­yetano.

“Gamitin po natin ito dahil ito ay ligtas bilang bahagi ng in-city biking spot sa siyudad. Libre po ito para sa lahat.”

Ayon sa siklistang si Enrique Tija, isang 43-anyos na residente ng Brgy. Napindan, ang bike lane ay malaking tulong sa kanya at mga kaibigan niyang palaging nagbibisikleta.

Dagdag pa niya, na isyu talaga ang kaligtasan ng nagbibisikleta sa kalsada, isa sa kanyang anak ay naputulan ng dalawang daliri sa aksidente habang nagbibisikleta. Nagulu­ngan ng jeep ang kanyang daliri nang maitukod niya ito upang hindi bumagsak sa semento.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with