^

Police Metro

P50 bilyong laan ng NEIC para sagipin ang mga kumpanyang nalulugi

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinusulong ni House Ways and Means Chairman at 2nd District Albay Rep. Joey Salceda ang paglikha ng National Emergency Investment Corporation (NEIC) upang maglaan ng P50-bilyong pondo sa loob ng dalawang taon upang sagipin ang mga pribadong kumpanya sa tuluyang pagbagsak dulot ng krisis sa COVID-19 pandemic.

Ang NEIC ang ma­ngangasiwa sa mga “joint ventures” na kailangang pasukin ng pamahalaan upang maisalba ang mga pribadong kumpanya na nalulugi.

Sinabi ni Salceda, isang kilalang ekonomista na ang paglikha ng NEIC ay bahagi ng “Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines Act” (HB 6619) na ipinasa na sa Kamara kamakailan.

Ayon kay Salceda, ang HB 6619 na tinagurian ding National Economic Stimulus Plan ay magsisilbing “asset resolution company” ng gobyerno na ang mandato ay iligtas sa pagbagsak ang mahahala­gang pribadong kumpanya.

Nakapaloob din dito ang tatlong “structural measures” sa pagsagip ng mga palubog na negosyo na walang interest na pautang “refinancing” at ang NEIC na base sa ideya ni Nobel Economics laureate Joseph Stiglitz na suportado naman ng mga sektor ng industriya gaya ng Bankers’ Association of the Philippines (BAP).

Sa isang pahayag, binati ng BAP si Salceda sa panukala nitong NEIC na magsisilbing Asset Resolution Company (ARC) ng pamahalaan.

vuukle comment

NEIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with