^

Police Metro

Nagpapakalat ng disinformation sa Anti-Terror Bill, binalaan

Joy Cantos, Mer Layson - Pang-masa
Nagpapakalat ng disinformation sa Anti-Terror Bill, binalaan
Ayon kay ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, hindi saklaw ng Anti-Terror Bill ang karapatan ng bawat isa na makapagpahayag tulad ng “freedom of speech” o “freedom of expression”.
Facebook / Cong. Eric Go Yap

MANILA, Philippines — Binalaan ni ACT-CIS Rep. Eric Go Yap ang publiko hinggil sa kumakalat at naglalabasang maling impormasyon na puwede nang arestuhin ng pulis o militar ang sino mang tututol o magsasagawa ng kilos protesta laban sa pamahalaan.

Ayon kay Yap, hindi saklaw ng Anti-Terror Bill ang karapatan ng bawat isa na makapagpahayag tulad ng “freedom of speech” o “freedom of expression”.

Nilinaw din niya na hindi totoo ang mga ulat na kapag tumutol ka sa pamahalaan ay puwede ka nang arestuhin kahit walang warrant of arrest.

“Hindi po totoo lahat ng iyan. Malaya pa rin po tayong makakatuligsa sa pamahalaan, wala pong katotohanan na kapag oposisyon  ay aarestuhin ka na. Tayo po mismo ang tututol diyan,” pahayag ni Yap.

Dagdag pa ng mambabatas, protektado pa rin ang freedom of expression at freedom of speech at hindi puwedeng pagbawalan ng kahit ano mang batas ang mga ito.

Giit pa ni Yap, ang Anti-Terrorism Act of 2020 kapag ganap na naisabatas ay layuning masawata ang terorismo na matagal nang kinakaharap ng bansa. Naka-pattern din ang naturang batas sa anti-terror law ng ibang malalaking bansa.

Samantala, nanindigan si Interior Secretary Eduardo Año na hindi anti-human rights ang Anti-Terrorism Bill at sa halip ay pinoprotekta­han nito ang mga karapatan ng mga inosenteng tao mula sa mga terorista.

Ayon kay Año, layon ng Anti-Terrorism Bill na burahin na ang terorismo sa bansa. 

Nilinaw ni Año na ang Anti-Terrorism Bill ay isinulong hindi upang labagin ang karapatang pantao o sikilin ang mga taong magpapahayag ng saloobin laban sa pamahalaan kundi para puksain ang terorismo sa bansa.

vuukle comment

ANTI-TERROR BILL

ERIC GO YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with