^

Police Metro

Benepisyo ng health workers na nagka-COVID, ibigay na!

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pang-masa
Benepisyo ng health workers na nagka-COVID, ibigay na!
Kasama na sa “new normal” dahil sa COVID-19 pande­mic ang pagsusuot ng mga midwives ng mga personal protective gloves, suits at masks sa pagpa-paanak at pag-aa­sikaso ng mahihirap na pasyenteng buntis sa LHR Lying-In Clinic sa Sauyo Road, Sauyo District, Quezon City kahapon.
Michael Varcas

6-araw ultimatum ni Duterte

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng deadline si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng hanggang Martes (June 9) o anim na araw upang maibigay ang benepisyo ng mga health workers na nagkasakit o namatay sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakarating na sa kaalaman ng Pangulo na hindi pa naibibigay ang benepisyo na itinakda sa “Bayanihan to Heal as One Act o Republic Act 11469”.

“Hanggang Martes lang po ang binigay ng Presidente para sa mga kinauukulan na ibigay ang compensation sa mga health workers na nagkasakit ng COVID-19 in the line of duty at sa mga pamilyang naiwan ng mga namatay,” ani Roque sa press briefing na isinagawa sa Davao City.

Nakasaad sa batas na dapat makatanggap ng P100,000 ang isang health worker na nagkasakit dahil sa kanyang kritikal na trabaho sa pag-aalaga ng mga CO­VID-19 patients habang P1 milyon ang makukuha ng pamilya ng health worker na nasawi dahil din sa pagtupad sa tungkulin.

Nauna rito, dismayado ang ilang senador sa pagdinig ng Senado nang malamang wala ni isa mang health worker na apektado ng COVID-19 ang nakatanggap ng sickness at death benefits na nakasaad sa RA 11469 dahil sa kawalan ng IRR (implementing rules and regulations).

Nanawagan na rin si Senate Committee on Health and Demography Chairman Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga ahensya ng gobyerno na ibigay na ang tamang kompensasyon sa pamilya ng 32 health workers na namatay dahil sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with