Bagong ‘Anti-Terror Bill’ aprub na sa House
Joy Cantos (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aprubado na ka­gabi­ sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Mababang­ Kapulungan ng Kongreso ang kontrobersyal na bagong “Anti-Terro­rism Bill”.

Sa botong 173 pabor, 31 no vote at 29 abstain, pinagtibay sa Kamara ang House Bill 6875 o ang New Anti-Terror Bill Act na amyenda sa Human Security Act of 2007 upang palakasin pa ang ngipin ng batas kontra terorismo.

Una nang sinerti­pi­kahan ni Pangulong Ro­d­rigo Duterte ang Anti-Terror Bill bilang urgent upang maprotektahan ang pambansang seguridad at ka­­­pakanan ng publiko kaya minadali ng mga mam­babatas ang pagpapasa nito.

Ang Anti-Terror Bill ay inaprubahan sa ikatlong pagbasa, isang araw lamang matapos itong makalusot sa ikalawang pagbasa.

Nag-convene ang House Committees on Public Order and Safety sa pamumuno ni 1st District Iloilo Rep. Raul Tupas at Defense and Security sa pamumuno naman ni Masbate Rep Narciso Bravo para i-adopt ang bersyon ng Senado.

Sa kanyang negatibong boto sa HB 6875 o New Anti-Terror Act , ipinaliwanag ni 1st District Albay Rep. Edcel Lagman na maraming butas ang nasabing panukalang batas na maa­aring gamitin sa oposisyon na kalaban ng administrasyon.

ANTI-TERROR BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with