Barangay hall sa Pasig ipinasara
Mer Layson (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

1 Baragay official positibo sa COVID

MANILA, Philippines — Isang barangay hall sa Pasig City ang pansaman­talang ipinasara ng lokal na pamahalaan matapos uma­­nong magpositibo sa corona­virus disease 2019 (COVID-19) ang isang ba­rangay official dito.

Kinumpirma ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pansamantalang pagsasara­ ng barangay hall ng Barangay Sto. Tomas, sa isang Facebook post dakong alas-10:00 ng gabi nitong Martes, Hunyo 2.

Ayon kay Sotto, magsi-self-quarantine na rin ang iba pang opisyal ng barangay, gayundin ang mga empleyado nito. Isasailalim din aniya sa COVID tests ang lahat ng nakasalamuha ng barangay official na nagpositibo sa sakit.

“May isang barangay of­fi­cial na nag-positive sa Co­vid-19,” ani Sotto. “Dahil dito, pansamantala munang pinasara ang Barangay Hall ng Sto. Tomas para ma­ka­pag-quarantine ang mga opis­yales at empleyado ng barangay,” anang alkalde.Ngunit hindi tinukoy kung gaano katagal ang pagsasara.

“Ipapa-PCR test din natin ang lahat ng mga “close contacts” nung nag-positive. (Higit pa ito sa DOH protocol, pero gusto nating ma­kasiguro),” dagdag pa ni Sotto.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with