“I live and I will die as a Filipino,” pahayag ni ABS-CBN Chairman Eme­ritus Eugenio “Gabby” Lopez sa kanyang unang pagharap via Zoom sa joint hearing­ ng House Committee on Legislative Franchises sa pamumuno ni Palawan Rep. Franz “Chicoy” Alvarez at House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado.
The STAR/file
Kailanman, hindi ko itinatwa ang aking pagiging Pinoy – Lopez
Joy Cantos (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Paulit-ulit na iginiit ni ABS-CBN Chairman Eme­ritus Eugenio “Gabby” Lopez sa harap ng mga mam­babatas at sambayanang Pilipino na isa siyang Pinoy at kailanman ay hindi nito itinatwa ang pagiging Filipino nang sumentro sa kanyang citizenship ang pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa hinihirit na bagong prangkisa ng ABS-CBN network kahapon. 

“I live and I will die as a Filipino,” pahayag ni Lopez sa kanyang unang pagharap via Zoom sa joint hearing­ ng House Committee on Legislative Franchises sa pamumuno ni Palawan Rep. Franz “Chicoy” Alvarez at House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado. 

Agad na pinukol si Lopez ng mga pagtatanong ni Dumper PTDA Partylist Rep. Claudine Diana Bautista kaugnay sa pagiging American citizen nito.

“My understanding from my lawyer was that I am a natural-born Filipino citizen because both my parents are Filipino citizens,” tugon ni Lopez.

Sinabi ni Lopez na ang ama at ina niya ay kapwa Pilipino kaya isa siyang Pilipino bagama’t isinilang siya sa US kaya awtomatikong naging US citizen.

Aniya, huwag tingnan ang teknikalidad ng kanyang citizenship at ikonsidera ang kanyang pagiging Pilipino sa loob ng 35-taong pagiging tapat niya sa bansa.

Sinabi naman ni Justice Usec. Emmeline Aglipay-Villar na isang  Pinoy si Lopez dahil ipinanganak siya sa parehong Pilipinong magulang.

EME­RITUS EUGENIO LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with