LTO offices sa Metro Manila bukas na ngayon
Angie dela Cruz (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukas na ngayong araw, Miyerkules ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila para sa mga motorista na kukuha ng lisensiya, magre-renew ng lisensiya at magrerehistro ng sasakyan makaraang ipatupad ng pamahalaan ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region.

Ayon sa LTO , ipa­iiral ng ahensiya ang “No mask, no entry” sa alinmang tanggapan ng LTO at daraan muna sa temperature scanner ang mga papasok habang may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa.

Sinasabing nasa 300 transactions lamang kada araw ang ipoproseso ng LTO bilang pagsunod sa protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

Ipinagbabawal ng LTO na may kasama ang aplikante, bawal ding magtungo sa LTO ang mga kukuha ng lisensiya at magrerehistro ng sasakyan na may edad 20 pababa at mga senior citizens.

Hinikayat ng LTO ang mga motorista  na mag-online transactions na lamang sa LTO sa  www.lto.net.ph para ma-priority sila sa pro­seso ng kanilang papeles.

Niliwanag na ang lahat ng inabutan ng ECQ ay walang penalty license renewals at car registration at mayroon pa silang 60 day extension na makapagtran­saksyon sa LTO mula sa lifting ng MECQ.  Ang ending ng sasakyan na 3 o March registration, ending 4-April registration, ending 5-May registration ay walang pe­nalty hanggang sa July para magrehistro at ang ending 6-June registration ay may hanggang August pa para makapagparehistro nang walang penalty.

GCQ METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with