Sa ulat, alas-7:30 kahapon ng umaga nang madiskubre ang pagtakas ng dalawa sa Delpan Evacuation Center ng uti­lity worker na si Bevelyn Elarcosa. Agad niyang ipinaalam ito sa pulisya na nagkasa agad ng manhunt operation.
STAR/Michael Varcas, file
2 tumakas na inmate na COVID positive, arestado
Danilo Garcia (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang presong lalaki na positibo sa COVID-19 at tumakas habang sumasailalim sa quarantine ang naaresto at muling naibalik sa quarantine facility sa Maynila kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), agad ding nadakip ng mga tauhan ng Sta. Ana Police Station ang dalawang preso na isang 25-anyos na may kaso sa ilegal na droga at 19-anyos na may kinakaharap na kasong child abuse. Ang dalawa ay kabilang sa mga PUI na inmates ng Sta. Ana Police Station na isinailalim sa swab test. 

Lumabas ang resulta ng dalawa na positibo sa COVID-19 kaya inirekomenda na dalhin sila sa Delpan Evacuation Center sa Binondo para sumailalim sa quarantine at mabigyan ng kaukulang paggagamot.

Sa ulat, alas-7:30 kahapon ng umaga nang madiskubre ang pagtakas ng dalawa sa Delpan Evacuation Center ng uti­lity worker na si Bevelyn Elarcosa. Agad niyang ipinaalam ito sa pulisya na nagkasa agad ng manhunt operation.

Naaresto ang isa sa mga suspek sa may Pilar State, Brgy. 781 habang ang isa pa ay nadakip sa may Crisolita malapit sa Dagonoy Street sa Brgy. 767 sa Sta. Ana District. Muli silang ibinalik sa naturang quarantine facility.

Ipinag-utos na ni MPD Director P/Brig. Gen. Rolando Miranda ang pagsasagawa ng contact tracing para matukoy ang nakasa­lamuha ng dalawang preso sa maigsing oras ng kanilang pagtakas habang isasailalim din sa 14-araw na quarantine ang mga pulis na dumampot sa kanila.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with