Ito ang inanunsyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ginawang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga dine-in ope­rations sa MGCQ areas pero agad nitong nilinaw na hindi nangangahulugan na maaari nang magpiyesta at mag-inuman dahil kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.
Nicholas Kamm/AFP via Getty images
Dine-in sa resto, fast food chains puwede na sa MGCQ areas
Malou Escudero (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ang mga dine-in operations na may 50% capacity sa mga restaurants at fast food chains sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ito ang inanunsyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ginawang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga dine-in ope­rations sa MGCQ areas pero agad nitong nilinaw na hindi nangangahulugan na maaari nang magpiyesta at mag-inuman dahil kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.

“…Pinayagan na po ang dine-in operations pero hindi po nanga­ngahulugang piyesta at inuman na. At sa ngayon po ang dine-in ay para lamang sa MGCQ. Kailangan pa rin sumunod ng minimum public health standards protocol,” sabi ni Roque.

Sa kabila nito, nagbabala si Roque na maaaring ipasara ng Department of Trade and Industry at Department of Tourism ang mga hindi susunod na mga restawran at iba pang kainan at maging ang kanilang mga kustomer sa mga panuntunan at minimum health protocols na ipatutupad.

Para sa non-single use menu, dapat ay iiskortan ng empleyado ng restaurant ang mga papasok na kustomer para sa assigned table na may nakalagay na numero. 

“Pipili ng order sa menu na nakalagay sa mesa o sasabihin sa order taker na may isang metro na social distancing. Ang customer at server ay kailangang mag-sanitize ng kamay pagkatapos mag-order at magbayad,” detalye ni Roque.

Sa mga service stations, walang buffet at self-service areas para sa food bars, condiments at utensils. Kailangan ding maglagay ng lugar sa take-away o pickup at maglagay ng hiwalay na lababo para sa handwashing ng mga kitchen staff at ng dine-in customers. 

“Ito naman ang mandatory procedures sa pag­labas: Walang physical contact habang nagbaba­yad. Maglagay ng maliit na tray sa pagtanggap ng pera. Mag-alok ng alternative modes of payment kung applicable. Regular na sanitation ng high contact areas tulad ng hawakan ng pinto, common tables at iba pa. Ang manager on duty ay dapat siguraduhin ang pagsunod na may mi­nimum public health standards,” dagdag ni Roque.

DINE-IN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with