^

Police Metro

Ginang tinodas ng lover, bangkay itinago sa tangke ng tubig

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng isang 29-anyos na babae matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang lover at itinago  sa loob ng tangke ng tubig sa kiskisan ng palay ang bangkay nito, kamakalawa sa Zone-5, Brgy. San Francisco, Magarao, Camarines Sur.

Ang nasawi ay nakilalang si Lorena Casitas Carinan. Habang naaresto agad ang suspek na si Salvador Balderama Asaja Jr., 28.

Sa ulat, alas-4 ng ha­pon nang matagpuan ng ilang residente ang duguang bangkay ng biktima na nakasiksik sa kongkretong tangke ng tubig sa loob ng compound ng pakiskisan (ricemill) ng palay.

Natukoy ang ki­na­kasama nitong si Asa­ja na suspek sa pamamaslang dahil sa dalawang beses na siyang inereklamo ng biktima nang pambubugbog.

Inamin ng suspek na lagi niyang ginugulpi ang biktima sa loob ng walong taon, subalit itinanggi na siya ang pumatay dito.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with