Ipinaliwanag ni Eduardo Año na kinailangang luwagan ang mga patakaran upang unti-unting makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa higit na dalawang buwan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) nguni’t hindi aniya dapat makompromiso ang mga health protocol.
STAR/File
Quarantine pass ‘di na kailangan kapag lalabas
Mer Layson (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula kahapon ay hindi na kailangan ng publiko na magpakita ng quarantine pass tuwing lalabas ng kanilang bahay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), maliban na lamang kung i-require ito ng mga local government units (LGUs) na nasa critical at buffer zones o depende sa kondisyon sa lokalidad. 

Ito ang nilinaw kahapon ni Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo M. Año, kasunod nang pagsisi­mula ng mas relaxed na GCQ sa Metro Manila kahapon.

Binigyang-diin naman ng kalihim na hindi  ‘unli’ na kahit anong oras ay maaaring lumabas dahil tuloy pa rin aniya ang pagpapairal ng curfew hours.

Ipinaliwanag ni Año na kinailangang luwagan ang mga patakaran upang unti-unting makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa higit na dalawang buwan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) nguni’t hindi aniya dapat makompromiso ang mga health protocol.

Kumpiyansa ang kalihim na ang pagluluwag sa quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay magbibigay-daan sa lubusang pagbubukas ng mga industriya, ngunit giit niya, hindi pa rin balik sa normal ang lahat.

Anya, kailangan pa rin ng quarantine pass sa mga ‘high-risk” na barangay sa mga critical zones at buffer zones na binabantayan at ginagawan ng contact tracing.

Ipinahayag ng taga­pagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya na magkakaroon pa rin ng mga random checkpoints sa Metro Manila at maghihigpit sa mga regional at provincial borders.

QUARANTINE PASS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with