Mabigat na daloy ng trapiko ang bumulaga kahapon sa mga commuters sa unang araw nang pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Michael Varcas
Transpo limitado sa unang araw ng GCQ
Mer Layson (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela ng pasen­sya at pag-una­wa sa publiko kahapon ang dalawang opisyal ng pamahalaan tungkol sa limitadong transportasyon sa unang araw ng general community quarantine sa Metro Manila.

Sinabi nila Interior Secretary Eduardo Año at Transportation Secretary Arthur Tugade na pansamantala lamang ang sitwasyon.

“Phasing by phasing po tayo. Kaunting pasensiya lang, mahirap naman kasi kung bibiglain tapos babalik na naman tayo sa ECQ na naman eh mas lalo pong ’di tayo makakausad,” saad ni Año.

Ayon naman kay Tugade, isinasagawa sa pamamagitan ng “partial, limited, calculated, and gradual” approach ang pagbabalik ng transportasyon.

“Humihingi ho ako sa inyo ng kapatawaran at understanding. Ito ho ay panandalian lamang. Hopefully the time will come when majority will benefit in comfort and convenience with all the improvements we are trying to do at this time,” aniya sa isang panayam naman sa telebisyon.

“Wala ho kaming pi­nangako o sinabi na ang transportasyon ay magi­ging extensive and will meet the requirements of all on the first day of GCQ and even in the duration of the GCQ for that matter,” ani Tugade.

“Meron pa hong mga limitasyon ‘yan, kaya nga ang binabagtas namin na approach sa transportas­yon ay ’yung tinatawag naming limited, gradual, partial, and calculated… Sa ganitong paraan tala­gang meron pong mapapahirapan, magkakaroon ng inconvinience,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagpadala ng 48 na bus ang Armed Forces of the Philippines upang makatulong sa ka­salukuyang sistema ng transportasyon sa buong Metro Manila.

ARTHUR TUGADE ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with