Malacañang sa publiko: Makipagtulungan sa pagpapatupad ng quarantine protocols
MANILA, Philippines — Ngayong ilalagay na sa general community quarantine (GCQ) at modified general quarantine (MGCQ) ang bansa ay umapela ang Malacañang sa publiko na makipagtulungan sa pamahalaan para sa masigurong ligtas ang lahat sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kabilang dito ang pag-iisyu ng guidelines na ipapatupad sa mga lugar ng trabaho, employers at mga manggagawa dahil alam naman ng lahat na hindi nakikita ang kalaban at hindi pa ligtas ang Pilipinas sa masamang dulot ng virus.
Ngayong maraming sector at industriya na ang magbubukas ay kailangan ang kooperasyon sa mga otoridad sa pagpapatupad ng quarantine protocols kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask/face shields, pagpapatupad ng physical/social distancing, pananatili sa bahay kung hindi kinakailangang lumabas at pag-iwas sa maraming tao.
Anya, hindi kakayanin ng pamahalaan na mag isang labanan ang COVID-19 kaya kailangan ang pakikipagtulungan ng taumbayan dito.
- Latest