P3.4 milyong shabu sa parcel nadiskubre sa hangar ng NAIA
Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa P3.4 mil­yong halaga ng shabu ang nadiskubre ng airport authorities na isiniksik sa mga container ng food snacks sa isinagawang random baggage profiling at K9 Sweeping sa loob ng isang warehouse sa Ge­neral Aviation Area, Domestic Road sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Ninoy Aqui­­­no International Airport-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa pamumuno ni Gerald Javier, dakong alas-3:00 ng hapon ng Mayo 29 nang isagawa ang inspeksiyon at sa random samples ay natunton ang ilegal na droga sa magkakahiwalay na container.

Unang nakita ang nasa 300 gramo ng shabu sa parcel na idineklarang “Chocolates with chips” na dalawang container at “shipped to” o ipinadala sa isang Ong, Glen C ng San Pedro, Laguna at naka-consign sa isang Shenly Ann Enderes,  na may pick-up branch address sa Regent Arcade Bldg., J.M. Basa St., Iloilo City. Nagkakahalaga ang droga ng P2,040,000.00.

Ang ikalawang parcel na idineklarang “Biscuits Chocolate” naman ay ipi­nadala sa isang Irene Sebastian ng Sta. Rosa, Laguna at naka-consign sa isang Erwin Panadero, na may address sa pick up Branch sa B-3 Lower Level Gaisano City,  Araneta, Singcang, Bacalod City na nasa 200 gramong shabu na nagkakahalaga ng P1, 360,000.00.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with