Number coding hindi pa iiral sa NCR
Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa rin sila magpapatupad ng number coding scheme kahit naibaba na sa general community quarantine(GCQ) ang National Capital Region (NCR) simu­la ngayong Hunyo 1.
“Number coding scheme is still lifted for next week, June 1 to 5, 2020,” ani MMDA spokesman Assistant Secretary Celine Pialago.

Aniya, hindi pa rin paiiralin ang modified coding scheme hangga’t hindi pa epektibo ang regulasyon mula sa Metro Manila Council.

Sa kabila nito, sa Makati City ay sisimulan na ang pagpapatupad ng modified number co-ding scheme na ayon sa Makati City government ay epektibo sa Lunes (Hunyo 1, 2020). Exempted naman sa modified number coding scheme sa lungsod ang pribadong sasakyan na may sakay ng dalawa o higit pang pasahero.

GCQ MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with