“Ang mga barbero at salon sa MGCQ pupuwede na pong hanggang 50% ang operating capa-city at matapos ang tatlong linggo, pupuwede na po ang 100%,” ani Harry Roque.
STAR/Michael Varcas, file
Barbershop, salon puwede nang magbukas sa GCQ
Malou Escudero (Pang-masa) - May 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang magbukas ang mga barbershops at beauty parlors o salons sa ilalim ng ipatutupad na general community quaran­tine (GCQ) sa National Capital Region at ibang panig ng bansa simula Hunyo 7.

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inapru-bahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang Resolution No. 41 kung saan inilagay sa Category 3 ang mga barbershops at salons at hanggang 30% lamang ang capacity ng kanilang operasyon ang papayagan.

Sinabi ni Roque na pagkatapos ng dalawang linggo o sa Hunyo 21 ay pupuwedeng itaas ang capacity sa 50 porsiyento.  Para naman sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ), papayagan na ang 50% operating capacity at maaaring itaas sa 100% pagkatapos ng tatlong linggo.

“Ang mga barbero at salon sa MGCQ pupuwede na pong hanggang 50% ang operating capa-city at matapos ang tatlong linggo, pupuwede na po ang 100%,” ani Roque.

Gayunman, nilinaw ni Roque na pagpapagupit lamang ng buhok ang papayagan dahil bawal pa rin ang facial, manicure, pedicure, at pagpapatanggal o pagpapaayos ng kilay.

“Pero huwag po ka-yong masyadong ma-excite dahil limitado po ang mga barbero at mga salon sa paggugupit. Wala pa ring facial, wala pa rin sa kuko, wala pa ring pagtatanggal ng mga eyebrows. Hanggang gupit lang tayo,” paglilinaw ni Roque.

GCQ HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with