3 Chinese, 4 pa timbog sa P8 milyong pekeng yosi
Omar Padilla (Pang-masa) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong katao kabilang ang 3 Chinese ang naaresto ng mga otoridad at nakumpiska ang nasa P8 milyong halaga ng pekeng sigarilyo, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jianju Chen; Jiancai Shi; Wuzhi Hi, pawang mga Chinese nationals; Cris Rosales; Elmer And; Niño Castillo at Julio Domalaon.

Bitbit ang isang Letter of Authority, ininspeksyon ng Customs team kasama ang Bulacan ang Environmental Solutions Group Warehouse na pag-aari ng isang Estella Nepomuceno ng Brgy. San Gabriel, Sta. Maria, Bulacan.

Doon na nadiskubre ng mga otoridad  ang kahong kahong sigarilyo ng Two Moon at Mighty cigarettes habang ikinakarga sa isang wing van na  pawang mga walang dokumento.

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang mga naarestong suspek kabilang na ang Operating Business without Permit at paglabag sa Municipal Ordinance No. 404, Sec 23 at Violation of RA 11332.

SIGARILYO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with