Bike bills aprubado sa komite ng Kamara
Joy Cantos (Pang-masa) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan sa komite ng Mababang Kapulungan ang “Bike Bills” bilang alternatibong transportasyon sa pagharap ng bansa sa “new normal” sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Pinasalamatan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang House Committee on Transpormation na pinamumuan ni 1st District Samar  Rep. Edgar Mary Sarmiento sa pagpapasa sa Bike bills kabilang ang isinulong nitong House Bill 4493 o ang page-establisa ng bike lanes para sa kaligtasan ng mga nagbibisikleta bilang alternatibong pamamaraan ng transportasyon. 

Sinabi nito na sa pamamagitan ng bisikleta  ay mapananatili sa ‘new normal’ ang social distancing  at makakasunod sa safety protocols bukod pa sa iwas polusyon ang sistema.

Ang Department of Transportation (DOTr) naman ang magsisilbing lead agency sa pagpapatupad ng bike lanes para sa mga nais gumamit ng bisikleta sa pamamagitan ng National Bike Program.

Alinsunod din sa panukala ang “Pasig River Overhead Bike Lane” ay maaaring tumawid sa pagbibisikleta sa mga lungsod ng Maynila, Makati, Taguig , Mandaluyong at Pasig  tulad sa Netherlands, Denmark, United Kingdom at ma­ging sa Estados Unidos ; pawang mga tinaguriang “bike friendly communities”.

BIKE BILLS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with