Mag-asawang senior kinatay ng anak
Cristina Timbang (Pang-masa) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng mag-asawang senior citizen matapos katayin ng nag-iisa nilang anak na sinasabing may diperensya sa pag-iisip sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Alfonso, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rafaelito Credo, 66-anyos at misis na si Flora 65-anyos, kapwa residente ng Sitio Santonis, Brgy. Taywanak Ilaya, Alfonso, Cavite.

Arestado at hawak na ng pulisya ang suspek si Florito Credo, 35, na umano’y mentally ill at nakatakdang sampahan ng kasong 2 counts of parricide.

Sa ulat ni P/MSgt. Dante Baje, dalawang araw pa bago nadiskubre ng mga kapitbahay bandang alas-2 ng hapon ang katawan ng mag-asawa na kapwa wala nang buhay habang nakahandusay at naliligo sa kanilang sariling dugo sa loob ng kanilang bahay.

Sa pagsisiyasat, pinuntahan pa ng suspek ang kanilang kapitbahay at sinabi nitong pinagsasaksak niya ang kanyang mama at papa bago siya tuluyang umalis. Kahit nagtataka, agad namang sinilip ng mga kapitbahay ang mag-asawang matanda at dito tumambad ang kapwa duguang biktima. 

Agad na naaresto ng pulisya ang suspek habang wala sa sarili na naglalakad-lakad sa labasan. Inamin ng suspek na dalawang araw na nang kanyang pagsasaksakin ang mga magulang.

Narekober malapit sa katawan ng mga biktima ang isang 12 pulgada na patalim na ginamit ng suspek sa pagpatay sa mga magulang.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with