^

Police Metro

Turismo aangat na sa MGCQ

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aangat na ang turismo sa bansa dahil handa nang mag-operate ang maraming tourist site at accomodations sa mga lugar na isasailalim sa ‘modified general community quarantine (MGCQ)’.

Ito ang sinabi ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na matagal nang nakahanda ang mga resort at hotels habang nagpalabas na rin ng panuntunan ang DOT ukol sa mga bagong safety at health protocols.

“Marami sa ating mga tourist sites ngayon ay nasa general community quarantine (GCQ) na. Ibig sabihin nun, kapag naging modified general community (quarantine), puwede nang magbukas ang tourism,” ayon kay Puyat. 

Una na ring hinikayat ni Puyat ang mga lokal na pamahalaan na pamahalaan ang safety protocols sa mga tourist destination sa kanilang lugar. 

Sa mga group packages, nilinaw ni Puyat na dapat mahigpit na ipatupad ang physical distancing tulad ng 2 tao lang kada kuwarto at bawal na ang siksikan. 

Habang sarado ang mga pasilidad sa turismo, nasa 500,000 tourism workers ang nabigyan ng benepisyo ng Department of Finance na may kabuuang P4.3 bilyon sa isang beses na cash distribution.

Related video:

vuukle comment

BERNADETTE ROMULO-PUYAT

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with