48 sundalo tumba sa COVID-19
MANILA, Philippines — Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na may 48 silang sundalo na nadale ng coronavirus disease o COVID-19 na kung saan ang apat dito ay patuloy na ginagamot sa ospital.
Ayon kay AFP spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo, sa huling tala ay may 35 na ang gumaling at ngayon ay nakabalik na sa kanilang mga trabaho.
May siyam naman na bagong nakarekober at hinihintay na lamang ang kanilang clearance para matiyak na COVID-19 free na sila.
Samantala, nasa 50 porsyento sa hanay naman ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 ang nakarekober na rin.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, nasa 298 police ang kumpirmadong nagpositibo sa Covid-19 at 147 na ang gumaling.
Para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19 ng iba pang pulis, itinalaga ng PNP ang kanilang Multi-Purpose Center (MPC) bilang isolation ward ng mga personnel na mga nag-duty sa quarantine facilities sakaling may mag-quarantine na miyembro ng medical reserve force o MRF at Reactionary Standby Support Force o RSSF na na-assign sa PICC stepdown facility at ULTRA quarantine facility.
- Latest